Dadalo ang Filipino lawyer na si Jordan Pizarras, legal counsel ng American businessman na si Timothy Strong sa inagurasyon ni US President-elect Donald Trump ngayong araw, Enero 20.
Ang imbitasyon ni Pizarras sa inagurasyon ni Trump ay nagmula kay US House Majority Whip Tom Emmer, isang Republican leader at tagapagtaguyod ng mas matatag na relasyon ng US at Pilipinas.
Ang negosyanteng si Strong ay major shareholder sa PXP Energy Corporation na may hawak ng concession para i-explore ang mayamang enerhiya na Service contract 72 na pasok sa exclusive economic zone ng PH sa ilalim ng UNCLOS.
Nagpapakita naman ito ng pangako ng Estados Unidos sa pagpapatibay pa ng matatag na ugnayan nito sa Pilipinas, partikular na sa pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan sa West Philippine Sea (WPS)
Sumisimbolo din ito ng suporta ng US para sa Pilipinas sa pagtataguyod ng 2016 UNCLOS Arbitral Tribunal ruling, na nagpawalang-bisa sa nine-dash line claim ng China sa WPS at muling pinagtitibay ang mga karapatan ng Pilipinas sa soberanya sa Reed Bank.
Itinuturing naman ng mga political analyst ang presensya ni Pizarras bilang isang estratehikong hakbang upang palakasin ang internasyonal na suporta para sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na maritime tension ng bansa sa China.