Gumagawa na ng paraan ang AboitizPower’s distribution unit na Visayan Electric Company (VECO) para maibalik na sa normal ang suplay ng kuryente sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Cebu.
Nagpadala na ang kumpanya ng grupo para mapagana ang oil-fired power plant sa ino-operate ng kanilang subsidiary na Cebu Private Power Corporation (CPPC).
Nitong linggo lamang ng umaga ay nagsimula na ang apat na CPCC power generator units na magsuplay ng 18 MW ng kuryente direkta sa VECO.
Malaking tulong ito sa mga pangunahing lugar gaya sa pagamutan, government facilities at ang Metro Cebu Water District pumping stations.
Sa mga susunod na araw aniya ay inaasahan nila madadagdagan pa ang mga generator units na mag-o-operate.
Maging ang ilang teams nila mula sa ibang distribution units gaya sa Davao Light and Power, Subic Enerzone at Cotabato Lights ay tumulong na rin para pagbabalik ng suplay ng kuryente sa Cebu.