-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dineklarang Drug-Free Municipality ang Jabonga sakop sa probinsiya ng Agusan del Norte sa pamamagitan sa Barangay Drug Clearing Program – Regional Oversight Committee sa seremonya na isinagawa kamakailan lang.

Napag-alamang ang 13 barangays sa bayan ng Jabonga ay nadeklarang Drug-Free noong Abril 29, 2019 na pinagtibay sa ROC Resolution No. 04-24 Series of 2019.

Ang Barangay San Jose at San Pablo ay na-validate bilang drug-cleared, sa taong 2016 at 2018, dahilang sa kabuuan, umabot sa 15 barangays ang opisyal ngayong dineklarang Malaya na sa illegal na droga.

Iginawad sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Caraga) ang Certificates of Drug-Cleared Barangays sa mga kapitan bilang Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC Chairpersons.

Habang ang Certificate of Drug-Free Municipality ay ibinagay naman kay Mayor Jasmin F. Monton bilang Chairperson ng Municipal Anti-Drug Abuse Council.

Ang Jabonga ay ang ikatlong bayan na nadeklarang drug-free municipality sa lalawigan sa Agusan del Norte.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Mayor Monton sa BADACs at MADAC sa kanilang commitment sa mahigpit na kampanya kontra sa illegal drugs.