-- Advertisements --

Inilagay ng Inter-Agency Task Force sa general community quarantine ang Abra, Baguio City at Bohol simula Setyembre 24 hanggang 30.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kabilang din ang Ilocos Norte na isasailalim sa GCQ sa parehas na petsa.

Una ng inilagay kasi sa GCQ ang Abra at Baguio habang nag Bohol ay nasa modified GCQ at ang Ilocos Norte ay nakalagay na sa modified enhanced community quarantine.

Habang nakalagay sa GCQ with heightened restrictions ang Abra, Baguio at Bohol ay mayroong 20% lamang ang seating capacity ng mga indoor dine-in service habang ang al fresco o outdoor dining service ay papayagang hanggang 50% capacity.

Papayagan ng hanggang 30 percent ang mga beauty salons, parlors, barbershops, nail spas at mga outdoor tourist attractions basta sumunod lamang sa striktong minimum health protocols.

Ang mga establishimento na mayroong safey seal certifications ay papayagan na mag-operate ng karagdagang 10 percent ganun din ang mga religious gatherings.

Dagdag pa ni Roque na hindi papayagan ang mga conventions, exhibition events, social events sa mga establishimento ganun din ang indoor sport courts and venues at indoor tourist attractions.

Pinapayagan din dito ang mga interzonal travel ganun dina ng point-to-point travel mula sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ.