BAGUIO CITY – Pinag-aaralan na ng Police Regional Office–Cordillera (PRO-Cor) ang posibilidad na tanggalin na sa listaan ng areas of concern ang buong Abra para sa nalalapit na 2019 midterm elections.
Ayon kay PRO-Cor regional director Pol. C/Supt. Rolando Nana, nanatiling tahimik ang buong lalawigan sa pagsisimula ng election period matapos ang naganap na sagupaan ng dalawang political clan sa bayan ng Lagayan noong Enero.
Sinabi niya na mula noong magsimula ang campaign period noong February 12, wala pang naitatalang election-related incidents sa buong lalawigan.
Gayumman, inihahanda pa rin ang isasagawang deployment plan sa mga lugar na may naitalang politically related violence sa mga nakaaraang halalan kabilang ang bayan ng Langiden at Lagayan, Abra.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Police Regional Office-Cordillera sa kanilang counterpart mula sa Armed Forces of the Philippines upang paghandaan ang deployment ng composite teams ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa mga lugar na mangngailangan ng mahigpit na pagbabantay.