-- Advertisements --
Idineklara ng MalacaƱang ang Abril 1 bilang regular holiday sa buong bansa bilang obserbasyon sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Islamic festival na Ramadan.
Nitong Huwebes ng pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Proclamation 839 matapos ang rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipino.
Nakasaad sa nasabing proclamation na kaya idineklara ang regular holiday para samahan ng sambayanang Pilipino ang mga kapatirang Muslim sa obserbasyon ng Eid’l Fitr.
Ang nasabing deklarasyon ay base sa nakasaad sa Republic Act 9177 na idinedeklara bilang regular holiday ang Eidl Fitr sa buong bansa.