-- Advertisements --
DFA teddy locsin

Pansamantalang sinuspinde muna ng Pilipinas ang pagpapawalang bisa sa kasunduan sa Amerika na Visiting Forces Agreement (VFA) kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na nagpadala na sila ng diplomatic note sa US Embassy na may petsang June 1, 2020.

Paliwanag ng kalihim, ang suspension nang pagputol sa agreement ay bunsod na rin ng mga kaganapan ngayon sa rehiyon at sa politika.

Kung maalala una nang iniutos mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang suspension ng VFA noong buwan ng Pebrero.

Sa sulat naman ngayon sa Amerika, nakapaloob sa pahayag ng DFA na ang suspension ay sa loob lamang ng anim na buwan o depende na kung e-extend muli ng Pangulo.

Ang VFA ang kabilang sa basehan kaya umiiral ang taun-taon na pagsasagawa ng war games para sa pagpapaibayo pa ng kaalaman at tulungan ng dalawang bansa.

dfa