-- Advertisements --

Nagsimula na rin ngayong araw ang overseas absentee voting (OAV) para sa mga Pilipino sa Estados Unidos.

Umaasa si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, na nagsilbing guest of honor sa unang araw ng OAV sa San Francisco, na boboto ang nasa 250,000 registered Filipino voters sa lugar at magkaroon ng mataas na turnout.

Nabatid na 1.8 million registered Filipino voters ang nakatira o nagtatrabaho abroad.