CAGAYAN DE ORO CITY – Nakakuha ng simpatiya mula sa isang nagpakilalang grupo ng pananampalatayang Katolika ang mga mambabatas na nagsusulong maisabatas ng tuluyan ang Absolute Divorce Bill na pinalusot ng sa Kamara noong nakaraang linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ng isang Bishop Joseph Lagumbay ng Catholic Universalist Church of Asia na hindi dapat bigyang masamang kahulugan na panukalang batas dahil naglalayon lang ito na bigyang proteksyon ang ilang kababaehan na nahaharap sa abusong pisikal.
Sinabi ni Lagumbay na maging mismo siya ay kontra sa disborsyo sapagkat maayos naman ang pagsasama nila ng kanyang pamilya subalit ang nais isalba ng panukalang batas na ito ay ang mga ina o kababaehan na minaltrato ng kanilang mga asawa at mga biktima rin ng mga panloloko.
Dagdag nito na hindi naman ginawa ang panukalang batas para sa mga mag-asawa na matibay ang samahan at relasyon subalit para sa mga personalidad na mas nangangailangan upang takasan at hindi na kanais-nais na maaring mangyari sa kanila sa loob ng bahay.
Magugunitang sa pagtalakay ng panukalang batas na ito sa Kamara,nasa 126 ang sang-ayon habang 109 ang tutol at 20 ang nag-abstain.