Tiniyak ni Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan sa gobyerno ng Pilipinas na kanilang aalagaan ang mga overseas Filipino workers (OFW) at ang mga Pinoy na naninirahan sa United Arab Emirates (UAE).
Ito ang ginawang paniniyak ng crown prince matapos ang pag-uusap nila sa telepono ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi ng pagpapaibayo pa ng bilateral relations ng bansa sa UAE.
Todo pasalamat din naman ang Pangulong Duterte sa pangangalaga ng UAE sa mga kababayang nakabasi doon.
“The Crown Prince assured President Duterte that the UAE Government will continue to take care of Filipino nationals residing in the country in the best way it can,” ayon pa sa MalacaƱang statement. “The UAE benefits from the skills of Filipino workers and is happy to have them.”
Kasabay nito, binati rin ng pangulo ang UAE dahil sa 50th founding anniversary.
Ipinaabot din ni Pangulong Duterte ang pagpapasalamat sa crown prince dahil sa donasyon ng UAE ng pitong metriko tonelada na medical supplies, personal protective equipment at 100,000 doses ng Hayat Vax vaccines na naipamahagi sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).