-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mas hinigpitan ng AFP ang kanilang mga hakbang sa pagpapasuko sa mga kasapi ng terror groups kasunod ng pagsuko ng “Imam” ng Abu Sayyaf Group kabilang na ang dalawang kasamahan nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Western Mindanao Command (WestMinCom) spokesperson Maj. Arvin Encinas, hindi pangkaraniwang ang nasabing imam dahil maliban sa pagiging religious leader nito, siya rin umano ang nagsisilbing medic o gumagaling sa mga sugatan nilang mga kasamahan.

Tinukoy ni Encinas na napagdesisyonang sumuko ng mga ito sa pamamagitan ng mga hakbang ng Civil-Military Operation (CMO) at intelligence operation, kabilang na rin ang pagsuko ng mga NPA members sa bahagi ng Sultan Kudarat.

Nabatid na sumuko ang tatlong ASG members matapos ang nangyaring sagupaan sa 45th IB noong Abril 22 sa Patikul, Sulu.