Nakatakda umanong magsumite ng letter of apology sa PBA si Phoenix Pulse cager Calvin Abueva sa darating na Lunes.
Ayon kay Phoenix coach Louie Alas, nagsisisi raw si Abueva sa dalawang insidenteng kinasangkutan nito na dahilan sa pagkakapataw sa kanya ng indefinite suspension ni PBA Commissioner Willie Marcial.
“I guess sumulat na siya… Remorseful naman ‘yug tao. Alam niya na mali siya. ‘Yun lang ata hinihintay ni Comm. We will see on Monday dahil sa Monday ata dadalhin ‘yung sulat,†wika ni Alas.
Matatandaang pinatawan ng indefinite suspension si Abueva dahil sa paghataw nito sa mukha kay TNT import Terrence Jones, at pambabastos nito sa nobya ni Bobby Ray Parks na si Maika Rivera.
Salaysay pa ni Alas, napagtanto raw ni Abueva na hindi na raw sana ito gumanti sa ginawang pananakit ni Jones sa kanyang groin area.
Binuweltahan din ni Alas si Jones sa ginawa naman nito kay LA Tenorio sa laro ng TNT kontra sa Ginebra noong Miyerkules. “Dapat ‘yun nagba-volleyball kasi ayaw mahawakan eh. Kasi kung willing kang makatama, dapat willing ka rin tamaan. Si LA ang liit liit, nakita naming si LA ang unang tinamaan. Hindi ko jinajustify si Calvin ha, sinasabi ko lang,†anang coach.
Inamin din ni Alas na kailangan pa rin ng kanilang koponan si Abueva. “’Yung presence niya, hinahanap pa rin namin,†ani Alas.