-- Advertisements --
May mga seminar pa na dapat daluhan si Phoenix Fuel star Calvin Abueva bago maibalik sa kaniya ang professional playing license.
Ayon kay Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham Mitra, dapat dumalo sa Conduct and Ethical Standards ang 32-anyos na si Abueva bago tanggalin na ang kaniyang indefinite suspension.
Nauna nang nagtungo si Abueva sa opisina ng GAB kasama si Phoenix coach Topex Robinson para mag-aplay ng bagong lisensiya.
Isinagawa ito ilang oras matapos ang pakikipagpulong nila kay PBA Commissioner Willie Marcial.
Magugunitang noong nakaraang taon ay pinatawan ng suspension si Abueva dahil sa alitan sa import ng TNT KaTropa at sa nobya ni PBA rookie Ray Parks.