CEBU CITY – Kinondena ng Intergrated Bar of the Philippines (IBP)-Cebu City Chapter ang pag-ambush sa isang kilalang abugadong sa lungsod ng Cebu nitong Lunes ng hapon.
Kinilala ang abogado na si Atty. Joey Wee, 51-anyos at residente sa lungsod ng Cebu.
Sa inisyal na imbestigasyon, kababa lang nito sa kanyang sasakyan at naglalakad papunta sa kanyang opisina sa Alchi Building, Barangay Kasambagan sa nasabing lungsod.
Papa-akyat na ito sa isang hagdan nang biglang bumalabog ang dalawang putok ng baril galing sa dalawang hindi pa nakikilala na suspek na dali-daling tumakas sakay sa isang nakaparada na motor sa lugar.
Agad na-isugod sa ospital ang biktima pero kinumpirma ng IBP-Cebu City Chapter na namatay habang nasa ospital.
Sa isang post, humingi ngayon ng panalangin at hustisya ang organisyon sa pagka-ampush at pagkapatay ni Wee.
“Atty. Joey Luis Wee expired and has joined his Creator. May he rest in peace. We pray for resilience and acceptance in his family. Again, we call for justice,” wika pa ng IBP-Cebu City Chapter.
Nanawagan ngayon ang organisyon sa mga concerned governement agencies ng agarang aksyon at hustisya laban sa mga nagpalikod sa karumaldumal na magpakamatay ni Wee.
“The attempt to take any life will never be tolerated in a civilized society. The brazen attack to our brother in the legal profession is taken as an attack to the whole legal community. We call upon all concerned agencies of government to immediately address this case and see to it that all perpetrators be brought to justice,” saad ng IBP.