-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong attempted murder at indiscriminate firing ang isang abugado na walang habas na nagpaputok ng baril at namaril ng mga rumespondeng mga pulis sa Quirino, Solano, Nueva Vizcaya

Ang suspek ay kinilalang si Atty. Alvin Pentecostes Andrenal, 39-anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Sa panayam ng Bombo Cauayan kay P/Maj. Ferdinand Laudencia, hepe ng Solano Police Station, sinabi niya na lango sa nakalalasing na inumin ang suspek nang maganap ang pamamaril nito.

Una rito ay nakatanggap ng ulat ang mga kasapi ng Solano Police Station n kaugnay sa pagpapaputok ng baril ni Atty. Andrenal na kanilang tinugunan.

Sa pagtugon ng mga kasapi Solano Police station ay agad silang pinaputukan ni Andrenal.

Dinakip ng mga pulis ang abogadong suspek at dinala sa kanilang himpilan habang inihahanda na ang kaso laban sa kanya.