Asahan na magiging emosyonal ang talumpati ni dating US President Joe Biden sa pagtanggap nito ng Democratic nomination para sa pagkapangulo ng US.
Gaganapin mamayang 9 ng umaga oras sa Pilipinas ang pagtanggap nito ng nomination.
Isasagawa ni Biden ang nasabing full convention acceptance speech mula sa Chase Center sa kaniyang bayan sa Wilmington, Delaware.
Hudyat rin ito ng pagtatapos ng ikaapat at huling araw ng Democratic National Convention (DNC).
Ilan sa mga naimbitahan na magsasagawa ng talumpati ay sina New Jersey Senator Cory Booker, California Governor Gavin Newsom, Atlanta Mayor Keisha Lance Bottoms, dating South Bend at Indiana Mayor Pete Buttigieg, Wisconsin Senator Tammy Baldwin, Illinois Senator Tammy Duckworth, Delaware Senator Chris Coons, dating New York Mayor Michael Bloomberg, American writer at author Jon Meacham, negosyanteng si Andrew Yang at mga anak ni Biden na sina Ashley at Hunter.
Magiging emcee naman ang actress na si Julia Louise-Dreyfus at magtatanghal naman sina John Legend at Common habang napiling kakanta ng naitonal anthem ang grupong The Chicks.
Sa isinagawang pagtanggap kahapon ni California Senator Kamala Harris ng kaniyang vice presidential nomination mula sa Democrats ay hindi matapos-tapos ang pasasalamat nito sa pagpili sa kaniya.
Balikan natin ang ilang mga talumpati ng mga panauhin kahapon gaya nina ex-President Barack Obama, dating First Lady Hillary Clinton at iba pa.