-- Advertisements --
ILOILO CITY – Stranded ang mga motorista matapos umapaw ang tubig baha sa access road sa Paliwan Bridge sa Antique.
Ang Paliwan Bridge ay kumukonekta sa Brgy. Cubay North sa Bugasong at Brgy. Lugta sa Laua-an.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Broderick Train, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer sa Antique, sinabi nito na nakaabang na ang mga kawani ng lokal na pamahalaan para abisuhan ang mga motorista na huwag munang dumaan sa tulay.
Anya sa lakas ng pag-ulan umapaw na rin ang tubig sa pansamantalang daanan na ginawa mula ng nasira ng Bagyo Paeng ang Paliwan Bridge.
Inabisuhan rin ng awtoridad ang lahat na motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.