-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Inaasahang tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga nagawa sa kaniyang administrasyon at ang mga magiging plano at prayoridad nito sa natitirang termino sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa araw ng Lunes.

Ito ang inihayag ni South Cotabato 2nd District Representative at Deputy Speaker for Mindanao Ferdinand Hernandez sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Fernandez, inaasahang tatalakayin ng punong ehekutibo ang usapin sa ekonomiya, peace and order, paglaban sa kahirapan at iba pa.

Samantala, umaasa siya na malalagdaan na ni Pangulong Duterte ang 2020 national budget na tiyak malaki ang maitutulong sa mga Pilipino sa pamamagitan ng mga nakalatag na mga proyekto dito.

Inamin ni Hernandez na dahil sa pagkakaantala ng naturang pondo ay marami rin ang na-delay na mga proyekto, lalo na dito sa South Cotabato.

Sa kabila nito, umaasa ang mambabatas ng positibong reaksyon mula sa mga mamamayan sa magiging SONA ng Pangulo.