-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng liderato ng Senado ang accomplishments ng mataas na kapulungan ng Senado bago matapos ang taong 2024.

Aabot sa 72 na mga panukala ang ganap na naging batas bago matapos ang taong ito sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Francis “Chiz” Escudero. 

Mula sa simula ng 3rd regular session ng 19th Congress noong Hulyo 23, 2024 hanggang sa adjournment ng sesyon nitong Disyembre 18, 2024, 108 panukala ang naipasa ng Senado, 72 bills mula rito ang ganap na naisabatas kung saan 11 rito ay LEDAC priority measures.

Ayon kay Escudero, karamihan sa mga naisabatas na panukala ay bunga ng mga resulta ng mga pagdinig at pagsisiyasat ng Senado at hindi tsismis para aliwin ang publiko.

Bagamat sa ilalim ng pamunuan ni Escudero ang may pinakamaraming naisabatas, tiniyak nito na hindi naman naisakripisyo ang kalidad ng mga panukala at sinigurong lahat ng ito ay dumaan sa mabusising deliberasyon at debate bago naipasa.

Nangako naman si Escudero na ipapasa ang ilan pang nakabinbin na mga panukalang batas sa oras na ipagpatuloy ang mga sesyon sa Enero.