Umaasa ang grupong Tindig Pilipinas na tatalakayin ni PBBM sa kanyang ikatlong SONA ang accountability ni dating PRRD ukol sa iba’t-ibang mga krimen na umano’y nangyari sa kanyang administrasyon.
Kinabibilangan ito ng mga human rights violations, madugong kampanya laban sa iligal na droga, korupsyon, violence against women, at iba pang umano’y karumal-dumal na krimeng nangyari sa loob ng anim na taon niyang panunungkulan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Tindig Pilipinas convenor Sylvia Claudio na lahat ng isyung ito ay marinig nilang tugunan ni Pang. Marcos, at tuluyang panagutin ang nakalipas na administrasyon.
Ayon sa isa pang convenor na si Teddy Lopez, ang ikatlong SONA ni PBBM ay malaking opurtunidad upang patunayan ng pangulo na walang kinikilingan ang pagtindig sa katotohanan.
Kailangan din aniyang talakayin ni PBBM ang kontrobersyal na confidential fund sa ilalim noon ng Office of the Vice President.
Hiniling din ni dating Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles na hayaan lamang ng Marcos Administration na mag-implementa ng mga ilalabas na warrant of arrest laban sa dating punong ehekutibo.
Kailangan aniyang mapanagot ang dating pangulo, kahit wala na siya sa posisyon.