-- Advertisements --

Nakaditene na sa Senado si Nancy Gamo, ang accountant ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. 

Naaresto si Gamo ng mga officer ng Office of the Sergeant-At-Arms ng Senado. 

Ayon sa ulat, sumailalim na si Gamo sa medical checkup ng doctor ng Senado na bahagi ng standard operating procedure kapag mayroong dini-detain sa mataas na kapulungan. 

Mananatili naman si Gamo sa kustodiya ng Senado habang hinihintay ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa ni-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac. 

Si Gamo, ang taong namamahala sa paghahain ng mga dokumento para sa mga negosyo ng pamilya Guo. 

Isa si Gamo sa walong ipinaaresto ng Senado dahil na contempt dahil sa hindi pagdalo sa mga nagdaang pagdinig sa kabila ng subpoena.

Samantala, sa ngayon, hindi pa naaaresto si Mayor Guo, kaniyang mga magulqng at tatlong kapatid at maging si Dennis Cunanan na kinatawan.