Pinalawig ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang deadline ng accreditation ng mga health facility para sa taong 2023.
Dahil dito, maaari pang magsumite ng aplikasyon ang mga health facility ng PhilHealth para sa renewal ng kanilang accreditation.
Layon nito ay upang matiyak na tuloy-tuloy ang access sa kalidad na serbisyong medikal para sa mga Pilipino.
Sa abiso ng kagawaran, palalawigin pa ang deadline ng mga aplikasyon para sa renewal ng accreditation ng mga health facility para sa taong 2023 hanggang sa January 31, 2023.
Binigyang-diin din nito na tanging ang mga aplikasyon na may kumpletong dokumento lamang na isinumite sa mga PhilHealth Regional Office ang tatanggapin sa nasabing deadline o bago ang deadline.
Maaari naman makipag-ugnayan ang mga health facility sa mga PhilHealth Regional Office kung may mga tanong o paglilinaw sa aplikasyon.