-- Advertisements --

Binawi na ng PhilHealth ang accreditation ng dialysis center na nasa likod ng paghahain ng insurance claims ng mga pumanaw nang pasiyente.

Sa isang statement, sinabi ng PhilHealth na binabawi na nila ang accreditation ng WellMed Dialysis Center ngayong Hunyo 18, 2019 dahil sa fraudulent claims.

Dahil dito, kanilang pinapayuhan ang mga pasiyente ng WellMed na lumipat na sa iba pang accredited dialysis facilities para matiyak ang patuloy na availment ng PhilHealth benefits.

Magugunita na dalawang dating empleyado ng WellMed ang umamin na pinipeke ng dialysis center ang pirma para maihain ang claims ng mga pasiyente na matagal nang patay.

Pero bago pa man bawiin ang accreditation ng WellMed, inaresto ng mga otoridad ang isa sa may-ari ng clinic dahil sa umano’y papel o pagkakasangkot nito sa naturang fraudulent dialysis scheme.