-- Advertisements --
Boracay 2
Boracay/ FB image

KALIBO, Aklan- Nadagdagan na naman ang mga establisyimentong maaaring mag-operate ng kanilang negosyo sa isla ng Boracay.

Batay sa ipinalabas na listahan ng Department of Tourism (DoT), nasa 380 establishments na may kabuuang 14,038 rooms na ang pinahihintulutan ng Boracay Inter Agency Task Force (BIATF) na maaaring tumanggap ng mga bisita para sa ilang araw na bakasyon.

Inaasahan na ang unti-unting pagbuhos ng mga turista sa nalalapit na semestral break ng mga mag-aaral gayundin ang selebrasyon ng All Saints at All Souls day.

Samantala, mahigpit naman na ibinilin ng task force sa mga pamunuan ng hotel at resorts na ipaalala sa kanilang mga guest ang rules at regulations na umiiral sa Boracay upang makaiwas sa multa at kontrobersiya.

Maalalang isang Taiwanese tourist ang pinagmulta ng pulisya dahil sa pagsuot nito ng micro bikini string na ipinangalandakan sa buong isla hanggang sa umabot sa iba’t ibang social media sites.