Inanunsiyo ng dating vocalist ng bandang Moonstar 88 na si Acel Bisa na ito ay maninirahan na sa the Netherlands sa susunod na taon.
Sa social media account nito, sinabi niya na nagpasya sila ng pamilya na doon na lamang manirahan para sa panibagong buhay.
Kasabay nito ay magkakaroon umano siya ng farewell show bago ang tuluyang pag-alis sa bansa.
Hinikayat ng 48-anyos na singer ang kaniyang mga fans na manood sa final concert nito sa bansa sa darating na Oktubre 11 sa Greenhills, San Juan.
Mula kasi noong 1999 hanggang 2004 ay naging lead vocalist ito ng Moonstar88 kung saan naglabas sila ng dalawang studio album na kasama siya ang “Popcorn” noong 2001 at “Press to Play” noong 2002.
Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang “Torete”, “Sulat”, “Sa Langit” at maraming iba pa.
Taong 2007 ng maglabas ito ng solo album na “Silver Lining”.