-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup ang Alaska Aces matapos na talunin ang NorthPort 102-94 sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Mula pa sa unang quarter ay hawak na ng Aces ang kalamangan kung saan umabot pa ito ng hanggang 14 points.

Kapwa nagtala ng tig-16 points sina Abu tratter at Rodney Brondial habang mayroong 14 points, 8 rebounds at anim na assists si Jeron Teng at 13 points naman si Robbie Herndon.

Tinawag ni Alaska coach Jeffrey Cariaso na isang malaking hamon ang larong ito ng kaniyang koponan.

Mayroong anim na panalo at apat na talo ang Aces habang ang NorthPort ay mayroong isang panalo at pitong talo.