Tinambakan ng Alaska Aces ang TNT Katropa 108-72 sa PBA Commissioner’s Cup playoffs.
Nagtala ng 15 points, 19 rebounds apat na blocks si Diamon Simpson.
Nag-ambag ng 15 points si Jeron Teng habang mayroong tig-14 points sina Chris Banchero at Simon Enciso.
Isang hamon naman sa TNT ang laban matapos na mapalabas sa playing court ang kanilang import na si Terrence Jones ng patawan ng flagrant foul penalty 1 sa pagtatapos ng third quarter kung saan nagtala lamang ito ng 19 points.
Mula sa unang quarter ay hawak ng Aces ang kalamangan kung saan nasayang ang ginawang 23 points ni Jayson Castro ng TNT.
Sinabi naman ni Aces coach Alex Compton na hindi muna sila nagdiriwang dahil mayroon pa silang do-or-die game para makuha nila ang semis spot sa Miyerkules.
Ito na ang pangalawang pinakamalaking puntos na pagkatalo ng TNT na ang una ay noong 1998 Commissioner’s Cup ng tambakan sila ng Purefoods 110-73.