Muling nakapagtala ang PNP Anti-Cybercrime Group ng pagtaas sa kaso ng mga fake booking scam ngayong buwan ng Marso.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na tumaas na ito sa sampung kaso ng fake booking scam sa ikalawang linggo ng Marso mula sa isa hanggang anim na kaso na naitala noong buwan ng enero ng kasalukuyang taon.
Batay sa datos ang ACG, pumalo na sa kabuuang 43 na kaso ang kanilang naitala mula sa unang araw ng taong ito.
Karaniwang nabibiktima umano ng ganitong style ng scam ay ang ating mga food delivery rider.
Ang siste, mag oorder ang scammer sa pamamagitan ng cash-on-delivery at pag nakarating na ang order sa itinalagang lugar ng pag dedeliveran ay hindi na ito makuntak at wala ng pagkakataon para mabayaran ang inorder na pagkain.
Ayon kay ACG Director PMGen. Sydney Sultan Hernia, mas mainam na i-check maigi ang orders bago ito tanggapin ng mga food delivery rider o sinumang potensyal na target ng scam.
Kailangang i check ng mabutin ang bawat detalye at sa halip na COD ay tumanggap nalang ng online payments kung may pagdududa.
Sa mga biktima naman ay kaagad na ipagbigay alam sa Pulisya para sa kaukulang dokumentasyon.