-- Advertisements --

Inakusahan ni dating Police Colonel Eduardo Acierto si dating Pang. Rodrigo Duterte na “protector” ng suspected drug lords na sina Michael Yang na dating presidential adviser at ang negosyanteng si Allan Lim na kilala na si Lin Weixiong.

Sa pagharap ni Acierto sa pagdinig ng House Quad Committee ngayong araw kaniyang sinabi na malapit na kaibigan ni Duterte sina Yang at Lim.

Taong 2017 ng makalap ng team ni Acierto ang involvement nina Yang at Lim sa iligal na droga.

Ayon kay Acierto sigurado siya na dahil sa nangyari sa kaniyang mga tauhan prinotektahan ng dating Pangulo ang dalawa nitong kaibigan.
Kwento ng police colonel dinukot si Capt. Lito Perote at si MSgt Gerry Liwanag.

Si Perote hanggang sa ngayon ay missing habang si Liwanag ay binaril patay.

Ibinunyag ni Acierto na si Yang ay nag-ooperate ng clandestine shabu laboratory sa dumoy, Davao City na nagma-manufacture ng shabu.

Batay sa drug matrix na hinanda ng team ni Acierto si Yang ay miyembro ng Johnson Chua drug syndicate na pinamunuan ng isang Johnson Co na naka base sa mainland China.

Habang si Lim ang siyang nagpapatakbo ng clandestine laboratory sa Cavite na ni raid ng PDEA nuong July 2018.

Sinabi ni Acierto ang nasabing matrix ay kasama sa isinumite niya kay dating PNP chief Ronald Dela Rosa at dating PDEA Director General Aaron Aquino at dating PNP Chief Oscar Albayalde.

Samantala, mariin naming itinanggi ni dating PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva na hind lumalabas sa kanilang listahan ng pangalan ni Michael Yang na sangkot sa iligal na droga.