-- Advertisements --

Bogus ang isinumiteng acknowledgement receipt na isinumite ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) sa ilalim ng pangalan ni Mary Grace Piattos.

Ito’y matapos maglabas ng ulat ang Philippine Statistics Authority (PSA) na wala sa kanilang record ang isang Mary Grace Piattos.

Ayon kay Manila Representative at House Blue Ribbon Committee Chairman Joel Chua, isasama nila sa kanilang committee report ang datos mula sa PSA.

Sinabi ng mambabatas na natanggap na niya ang nasabing certification at na forward na rin mga miyembro ng komite.

Aminado si Chua ng lumabas ang AR na naka pirma si Mary Grace Piattos ay nag suspetcha na sila dahilan na pina validate ito sa PSA.

Siniguro naman ni Chua na posibleng ipapa-verify din nila ang iba pang mga pangalan na naka pirma sa acknowledgement receipts.

Dagdag pa ng mambabatas na humingi na rin sila ng tulong sa NBI para ipasuri ang mga pirma o signatures gaya ng pangalan ni Kokoy Villamin.

Binigyang-diin ni Chua na dapat managot ang mga lumabag sa batas ng sa gayon magkaroon ng accountability.