-- Advertisements --

Nagbabala si Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop kay Mrs. Mylah Roque asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque na i-comply ang show-cause order ng Quad Comm kundi mapu pwersa silang arestuhin. 

Ayon kay Acop, pwede naman siya pumunta at magsabi na I refuse to answer dahil ma self-incriminate siya at kung di siya pupunta, isa ito sa pinakamabigat sa rulesna pwede siyang ma-cite in contempt.

Sabi ni Acop na kapag hindi niya i-honor ang subpoena, magrequest ang Komite ng arrest order laban sa kaniya.

Paliwanag ng Kongresista ang pag-isyu ng show-cause order ng Quad Comm kay Mrs Roque ay isang paraan para bigyan siya ng pagkakataon na magpaliwanag at sabihin ang kaniyang panig.

Hindi dumalo sa pagdinig ng Komite nuong Sept. 19 si Mrs Roque dahil sumailalim ito sa medical treatment sa Singapore.

Ipinaliwanag naman ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, Quad-Comm overall chairman, na una ng inimbitahan si Mrs. Roque sa Komite upang bigyang pagkakaton na ipaliwanag ang kaniyang pagkakasangkot sa paglagda sa lease agreement sa mga Chinese nationals na umanoy may kaugnayan sa POGO complex sa Bamban, Tarlac. 

Kinumpirma naman ni Acop na hiniling ng Komite ang medical records ni Mrs. Roque. ng sa gayon maintindihan ang kaniyang kondisyon.