-- Advertisements --

Binuweltahan ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang umano’y pagbabawal sa kanila ng ilang local offices ng Department of Education (DepEd) na magsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEI) sa darating na Mayo.

Sa isang panayam, sinabi ni Raymond Basilio, ang secretary general ng ACT, na ilan sa kanilang mga miyembro ay pinayuhan ng mga empleyado mula sa division offices ng DepEd na kung nais nilang magsilbi bilang BEI ay kailangan daw muna nilang magbitiw sa puwesto.

Para kay Basilio, maituturing itong “malicious strike” laban sa karapatan ng mga guro na bumuo ng isang unyon.

Bukod dito, tinatapakan din daw dito ang economic rights ng mga guro.

Makakatulong daw sana sa mga ito ang P6,000 honorarium na ibinibigay ng Comelec sa mga election inspectors bilang dagdag sa kanilang mababa raw na sahod.