Kinumpirma ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na makikibahagi na siya sa mga aktibidad ng Kamara, simula Hulyo-24, o sa pagbubukas ng ikalawang regular session ng 19th Kongreso, ilang oras bago ang nakatakdang SONA ni PBBM.
Ayon kay Tulfo, tuloy na ang pag-upo nito bilang kinatawan ng ACT-CIS Partylist matapos ibasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang disqualification laban sa kanya.
Nangako naman ang kongresista na magiging aktibo ito sa mga talakayan sa Mababang Kapulungan.
Bilang kauna-unahang aksyon pagpasok sa Kongreso, plano ng Kongresista na maghain ng resolusyon para muling pag-aralan ang Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act of 2023 kung saan pinapapirma ang mga alagad ng Media sa mga operasyon ng PDEA at PNP.
Sa ilalim ng resolusyon, nais nitong matanggal na ang probisyong ito ng nasabing batas.
Nangako rin ang kongresista na tututukan niya ang Magna Carta for Media, na siyang maglalatag ng dagdag na seguridad ng mga kawani ng media.