-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Itinuturing na ngayon si ACT-CIS Partylist Representative at Benguet Congressman Eric Go Yap bilang “anak” ng Benguet.
Nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng Benguet ng isang resolusyon para maituring si Yap bilang “Son of Benguet”.
Batay sa resolusyon, kinilala ng mga opisyal at residente ang pagmamalasakit ni Yap sa Benguet dahil sa pamamahagi nito ng iba’t-ibang tulong lalo na ngayong panahon ng krisis.
Itinuring ang kongresista bilang anak ng Benguet kasabay ng kaarawan nitong Lunes.
Inaasahang isasagawa ang mga seremonya at pagdiriwang sa pagkilala kay Yap bilang anak ng Benguet sa mga susunod na araw.