Iginiit ng grupo ng mga guro na sa halip na sisihin ang pagbaba ng mga enrollees ngayong school year, dapat na tugunan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang krisis sa edukasyon na kinakaharap ng bansa.
Ayon kay ACT chairman Vladimer Quetua responsibilidad ng departamento na tiyakin na walang maiiwan na mag-aaral.
Dapat tingnan aniya ng DepEd ang ugat ng mga problema ng sektor ng edukasyon na naging dahilan upang hindi na makabalik sa paaralan ang mga mag-aaral ngayong taon.
Kabilang na dito ani Quetua ang mga financial problems na kinakaharap ng mga sambahayan dahil sa mga problema sa ekonomiya ng bansa.
Kung matatandaan, sinisi ni Duterte ang mga protesta sa pagbaba ng bilang ng enrollment para sa school year 2023-2024.
Nananatiling kulang kasi ang DepEd sa 28.8 million enrollment target nito para sa SY 2023-2024 dahil ang kabuuang bilang ng mga enrolled students ay 26.7 million na mga mag-aaral.