-- Advertisements --

Isinumite na sa Comission on Elections (COMELEC) ng Alliance of Concern Teachers (ACT) ang initial listahan na 1,036 electoral board (EB) members na nagtrabaho ng 24 na oras noong May 9 elections.

Sinabi ni ACT Secretary General Raymond Basilio na nararapat na maibigay sa mga guro ang kanilang overtime pay.

Mula pa noong nakaraang taon ay patuloy na ang kanilang panawagan sa COMELEC.

Labis nilang ikinatuwa ang magandang development na inaprubahan na ng COMELEC ang hiling nila ng mga guro ng dagdag na overtime pay sa mga guro na tumulong sa katatapos na halalan.