Nag-alala ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) tungkol sa plano ng Department of Education (DepEd) na rebisahin ang K to 12 curriculum, na tinatawag na ang hakbang ay naantala at naliligaw.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers chairman Vladimer Quetua, ang assessment ng Department of Education sa pagsusuri ng K to 12 curriculum ay dapat na inilabas noong 2018 o limang taon pagkatapos maitatag ang K to 12 program noong 2013 sa pamamagitan ng Enhanced Basic Education Act.
Sa presentation ng Basic Education Report 2023, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang K to 12 curriculum ay rerebisahin sa hangaring makabuo ng mas maraming competent, job-ready, active, and responsible graduates sa Pilipnas.
Dagdag pa ng bise presidente, ang K to 12 umano ay dapat sa pangangailangan ng bawat mag-aaral na Pilipino.
Una na rito, paiigtingin din ng Department of Education ang values formation ng mga mag-aaral sa curriculum at pagtuturo, partikular sa pamamagitan ng Good Manners and Right Conduct and Values Education bilang pagsunod sa Republic Act 11476.