Pinagbawalan ng ilang local offices ng Department of Education (DepEd) ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na magsilbi bilang election inspectors sa darating na halalan.
Ayon sa ACT, sinabihan daw ang kanilang mga miyembro ng ilang opisyal ng DepEd sa Central Luzon at Eastern Samar na hindi sila maaaring magsilbi bilang election inspectors sa midterm elections sa Mayo.
Sa probinsya ng Laguna, may dokumento raw na pinaiikot na nagsasabing unqualified ang mga ACT members para magsilbi sa Board of Election Inspectors (BEI).
Sa isang panayam, sinabi ni Raymond Basilio, ang secretary general ng ACT, pinayuhan daw ang ilan sa kanilang mga miyembro ng mga empleyado sa division offices na kung nais nilang magsilbi bilang BEI sa halalan, kailangan daw muna na magbitiw sa puwesto ng mga ito.