-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Representative France Castro na ito ay tatakbo sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.

Sinabi nito na nakapagpasya dahil na rin sa mga pag-udyok ng mga guro.

Nais kasi ng mga guro na dalhin ang laban sa pagbabago sa edukasyon sa senado.

Dagdag pa nito na nais niyang magkaroon ng alternatibo rin sa senado.