-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY-Itinuturing ng Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers)na pinakamagulong halalan ang kakatapos lamang na 2019 polls.

Sinabi ni Reymond Basilio ng ACT-Teachers na batay sa naranasan ng mga guro na nagsilbi nitong nagdaang election, tila hindi umano handa ang Commission on Election (Comelec) sa automated election.

Ito ay dahil na rin sa mga naitalang aberya sa mga voting counting machines(VCMs).

Hindi raw ang kanilang inasahan dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na magsagawa ng automated election ang Comelec.

Hanggang ngayon ay marami pa rin daw mga balota ang hindi naita-transmit lalo na sa Mindanao area kung kaya’t marami ring mga guro ang napahaba ang oras ng trabaho.

Bukod sa mga naitalang aberya, nais rin umanong singilin ng Act-Teachers ang Comelec ukol sa honorarium na ibibigay ng ahensiya sa mga guro.

Sinabi ni Basilio na hanggang sa ngayon ay nasa 10 porsiyente palamang umano ng mga guro ang nabibigyan ng honorarium.