LAOAG CITY – Hindi irerekomenda ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Teachers Partylist ang pagresign ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco dahil sa kontrobersya na tourism slogan na “Love the Philippines”.
Ito ang sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Teachers Partylist Representative France Castro.
Paliwanag ni Castro na nakadepende na kay Frasco kung gusto niyang bumaba sa pwesto pero para sa kanila ay hangad nilang mag-imbestiga muna sa isyung kinasangkutan ng Department of Tourism.
Inihayag ni Castro na magsasampa sila ng house resolution para maimbestigahan ang kontrobersya na tourism slogan ng Pilipinas at bigyan pagkakataon si Frasco na magpaliwanag.
Iginiit ni Castro na kung hindi makagawa ng original na slogan ang Department of Tourism ay mas magandang manatili ang dating slogan na “It’s More Fun in the Philippines”.
Una ang sinabi ni Castro posibleng na iba pa ang interpretasyon ng iba sa slogan na “Love the Philippines” kung saan sa tagalong ay “Mahal sa Pilipinas”.
Dagdag niya na posibleng ang pagkakaintindi ng iba lalo na sa mga taga ibang bansa ay mahal ang pamasahe, mahal ang mga bilihin ay mahal lahat.
Samantala, inihayag ni Castro na hindi lamang ang ilang video mula sa promotional video ng Department of Tourism ang umanoy nakopya kundi kahit ang mismong “Love the Philippines” dahil base sa kanilang pagresearch ay una nang ginamit ng Cyprus ang ganitong slogan na “Love the Cyprus”.
Ang bahagi ng interview ng Bombo Radyo Laoag kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Teachers Partylist Representative France Castro.