-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umalma ang Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) tungkol sa ginawa umanong profiling ng Department of Education (DepEd) sa mga miyembro ng nasabing grupo.

Ito ay kasunod ng pagpalabas ng memorandum ng kagawaran sa lahat ng regional director at division office superintendents na alamin ang mga gurong kasapi ng ACT Teachers sa Metro Manila at sa iba pang pampublikong paaralan sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Vladimir Quetua, Chairperson ng ACT-Teachers, sinabi nito na harrassment at violation ang ginagawa ng kagawaran.

Ayon kay Quetua, nararapat na itigil ito dahil malinaw na paglabag umano sa Saligang Batas at sa Datay Privacy Act.

Anya, malinaw na red-tagging ang ginagawa ng kagawaran.

Napag-alaman na ang memo na inirereklamo ng ACT Teachers ay isang listahan na hinihingi ng DepEd para sa mga “ACT Union-Affiliated Teachers” na kukuha ng automatic payroll deduction system.

Ang nararapat anya na bigyan ng pansin ng kagawaran ay ang pagpapataas sa sahod ng mga guro.