-- Advertisements --
image 545

Inihayag ni Chairman Romando Artes na ang pagpasa lamang ng isang batas ang maaaring mag-abolish sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ay kanyang tugon sa panawagan ng isang mambabatas na i-abolish ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na umaayon sa planong rightsizing ng administrasyong Marcos na kung saan binanggit niya ang Republic Act No. 7924 na batas na lumikha nito.

Aniya, batas umano ang naglikha ng Metropolitan Manila Development Authority kaya batas lamang din ang maaaring magpatigil sa operasyon nito.

Kung matatandaan, sinabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na makakatulong ang abolition ng sa Metropolitan Manila Development Authority na mabawasan ang mga redundant operations.

Ayon kay Chua, nilusob ng ahensya ang hurisdiksyon ng local government units sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga home demolition, paglilinis ng mga kalsada at bangketa, at pagpapatupad ng mga panuntunan nang hindi nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ng kongresista, maaaring ipaubaya sa bagong National Capital Region (NCR) Coordinating Council ang mga tungkulin ng naturang ahensya.

Giit naman ni Metropolitan Manila Development Authorit acting Chairman Romando Artes, wala umanong nangyayaring redundant functions dahil ginagawa nila ang kanilang koordinasyon sa iba pang mga ahensya sa Pilipinas.