-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patay ang acting municipal fire marshal sa bayan ng San Jose, Dinagat Islands province matapos ma-aksidente sa Dayawan Km. 2 ng Brgy Luna, Surigao City g alas-dos ng madaling araw nitong Linggo.

Nakilala ang biktimang si Fire Inspector Aison Ronniel Bote Cribello, 25-anyos na taga- Calaoocan City.

Ayon kay Surigao City Traffic Division sakay ng kanyang motorisklo ang opisyal patungo sana sa sentrong bahagi ng lungsod ngunit pagsapit nito sa kurbadang bahagi ng lugar na pinangyarihan ay nakasalubong nito ang Isuzu D-max mula sa city proper sanhi ng kanilang head-on-collission.

Nakilala naman ang driver ng Isuzu D-max na si Robert Guisano, 39-anyos at residente ng Manapipang Village, Brgy Rizal ng nasabi ring lungsod.

Dahil sa lakas ng impact ay nahulog sa kongkretong daan ang opisyal at nabagok ang ulo kaya’t dead-on-arrival na nang dumating sa Caraga Regional Hospital.

Nasa kustodiya naman ng Surigao City Police Station ang dalawang sasakyan at ang ng driver ng Isuzo d-max.

Nasayaran nga si Inspector Aison Ronniel Bote Cribello ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) SANSIKLAB Class of 2019.