-- Advertisements --
kevin mcaleenan 2

Kinumpirma ni US President Donald Trump na bababa na sa kaniyang pwesto bilang acting homeland security secretary si Kevin McAleenan.

Si McAleenan ang ika-apat na namunao sa naturang ahensya sa ilalim ng Trump administration noong Abril matapos hingiin ng Republican president ang pagre-resign ni dating Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen.

Nagsilbi bilang commissioner ng U.S. Customs and Border Protection si McAleenan bago ito maging acting secretary.

Inaasahan na iaanunsyo ng American president ang papalit kay McAleenan sa susunod na linggo.