-- Advertisements --

Nagtalaga muna ng pansamantalang Officer in Charge sa Presidential Communications Office (PCO) si Acting Secretary Cesar Chavez.

Itinalaga ni Chaves si PCO Senior Undersecretary, Emerald Anne Ridao, epektibo Feb 17 hangggang 21 o mula Lunes hanggang Biyerne susunod na linggo.

Ito ay batay sa Special Order 25-044 na inisyu at pirmado ni Chavez.

Dahil dito, si Ridao muna ang mangangasiwa ng pang araw araw na aktibidadย  at operasyon ng PCO sa susunod na linggo.

Dahilan ng pansamantalang pagliban sa trabaho ni Chavez sa PCO ay ang pagbiyahe nito sa ibang bansa, alinsunod sa inaprubahang travel authority nito sa nasabing mga petsa.