-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto si acting Navy Secretary Thomas Modly isang araw matapos ang paglabas ng audio recording na binatikos ang tinanggal na commander ng USS Theodore Roosebelt.
Papalitan agad siya ni Undersecretary ng Army na si James McPherson.
Nauna rito tinawag ni Modly ang dating commander na si Capt. Brett Crozier na “too naive or too stupid” na nasa puwesto na hayaan na lamang lumabas ang memo sa media.
Magugunitang inilabas ni Crozier na kumakalat na ang coronavirus sa loob ng barko at humingi ito ng ayuda para mailigtas ang mga lulan nitong crew.