-- Advertisements --
COVID 19 VIRUS

Nakapagtala ngayon ang bansa ng mas mababa sa 10,000 na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Base sa pinakahuling data mula sa Department of Health (DoH) ang bagong COVID-19 infections naman ay nasa 166.

Dahil sa bagong kaso ng nakamamatay na virus ay nasa 9,982 sa ngayon ang active tally.

Mas mababa ito kumpara sa 10,038 na naitala noong Sabado.

Naitala naman ang total caseload ng virus sa 4,072,911.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) pa rin ang mayroong pinakamataas na kaso ng covid na nasa 806.

Sinundad ito ng Calabarzon na mayroong 421, Western Visayas na may 256, Central Luzon na mayroong 198 at Davao region na may 195.

Sa buong bansa naman, ang Manila ang mayroong pinakamataas na kaso ng covid na 148 na sinundan ng Quezon City na mayroong 143, Cavite may 128, Rizal na may 119 at Davao del Sur na may 105.

Sa pinakahuling datos din mula sa DoH, nasa 166.058 million doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok noong Enero 18.

Kinabibilangan ito ng 70.981 million first doses, 73.809 million complete doses at 21.266 million booster doses.