-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakapako sa 14 na active cases, 59 confirmed at 43 total recoveries ang mga numero kaugnay ng COVID-19 cases sa probinsya ng Cotabato.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Integrated Provincial Health Offive ( IPHO) Cotabato at DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region.

Samantala, nasa 1,638 ang patuloy na naka quarantine/isolated habang 19, 218 na ang mga PUMs na totally cleared.

Nananatili din sa 21 ang mga tinaguriang suspect.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng IATF-Cotabato ang health protocols sa mga lugar.