Posible umanong madoble ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vases sa National Capital Region (NCR) pagdating ng Pebrero 15.
Ayon sa Department of Health (DOH) ang kanilang projection ay base na rin sa surge sa Metro Mnaila.
Hindi raw nakikita ng DOH na magpi-peak na ang katapusan ng Enero kundi ay magpi-peak ito sa ikalawang linggo ng Pebrero.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang active cases ngayon sa NCR ay nasa 149,000.
Sa pinakahuling data ng DOH kahapon nasa 147,459 ang aktibong kaso.
Sa ngayon ay mayroon daw COVID-19 average ang NCR na 17,124 kada araw na mas mabilis kumpara sa 6,500 na kaso kada araw noong nakaraang linggo.
Gayunman ang case doubling time naman ay bumabagal sa NCR mula sa 2.2 days sa 4 days.
Samantala ang 37,207 na covid case kahapon, nasa 98 percent dito ang naitala sa huling 14 na araw o mula Enero 1 hanggang 14.
Ang top regions na may mga mataas na kaso ng covid sa nakaraang dalawang linggo ay ang NCR na mayroong 16,824 o 46%, Region 4-A wna may 8,580 o 23% at Region 3 na may 4,052 o 11%.